12 Dahil dadaan ako sa lupain ng Ehipto sa gabing ito at papatayin ko ang lahat ng panganay sa Ehipto, mula sa tao hanggang sa hayop;+ at maglalapat ako ng hatol sa lahat ng diyos ng Ehipto.+ Ako si Jehova.
12 At susunugin ko ang mga bahay* ng mga diyos ng Ehipto,+ at tutupukin niya ang mga ito at dadalhin niya silang bihag. Ibabalot niya ang lupain ng Ehipto sa kaniyang sarili kung paanong ibinabalot ng pastol ang kasuotan sa sarili niya, at payapa siyang aalis doon.*
25 “Sinabi ni Jehova ng mga hukbo, ang Diyos ng Israel: ‘Babalingan ko si Amon+ na mula sa No,*+ ang Paraon, ang Ehipto, ang mga diyos niya,+ at ang mga hari niya—oo, ang Paraon at ang lahat ng nagtitiwala sa kaniya.’+
13 “Ito ang sinabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova: ‘Wawasakin ko rin ang karima-rimarim na mga idolo* at aalisin ang walang-silbing mga diyos ng Nop.*+ Hindi na magkakaroon ng prinsipe* mula sa Ehipto, at paghahariin ko ang takot sa Ehipto.+