-
Jeremias 50:9Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
9 Dahil laban sa Babilonya ay magbabangon ako
Ng nagsama-samang dakilang mga bansa mula sa lupain ng hilaga.+
Hahanay sila para makipagdigma sa kaniya;
Mula roon ay bibihagin siya.
Ang mga pana nila ay gaya ng mga pana ng mandirigma
Na pumapatay ng mga anak;+
Hindi bumabalik ang mga iyon nang walang resulta.
-
-
Jeremias 51:27, 28Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
27 “Maglagay kayo ng palatandaan* sa lupain.+
Hipan ninyo ang tambuli sa gitna ng mga bansa.
Atasan* ninyo ang mga bansa laban sa kaniya.
Ipatawag ninyo laban sa kaniya ang mga kaharian ng Ararat,+ Mini, at Askenaz.+
Mag-atas kayo laban sa kaniya ng tagapangalap ng sundalo.
Magsugo kayo ng mga kabayo na gaya ng mabalahibong mga balang.
-