41 Sinabi pa ng Paraon kay Jose: “Inaatasan kita ngayong mamahala sa buong lupain ng Ehipto.”+ 42 Pagkatapos, hinubad ng Paraon ang kaniyang singsing na panlagda at isinuot iyon kay Jose, dinamtan siya ng mga damit na yari sa magandang klase ng lino, at sinuotan siya ng gintong kuwintas.