-
Deuteronomio 28:63, 64Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
63 “At kung gustong-gusto noon ni Jehova na gawan kayo ng mabuti at paramihin kayo, gugustuhin naman ngayon ni Jehova na puksain kayo at lipulin; at itataboy kayo mula sa lupaing kukunin ninyo bilang pag-aari.
64 “Pangangalatin kayo ni Jehova sa lahat ng bayan mula sa isang dulo ng lupa hanggang sa kabilang dulo nito,+ at doon ay maglilingkod kayo sa mga diyos na gawa sa kahoy at bato, mga diyos na hindi ninyo kilala, pati ng mga ninuno ninyo.+
-