-
Jeremias 34:18-20Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
18 At ito ang mangyayari sa mga taong sumira sa tipan ko dahil hindi nila sinunod ang mga salita ng tipang ginawa nila sa harap ko nang hatiin nila ang guya* at dumaan sila sa pagitan nito,+ 19 ang matataas na opisyal ng Juda, matataas na opisyal ng Jerusalem, mga opisyal ng palasyo, mga saserdote, at ang lahat ng tao sa lupain na dumaan sa pagitan ng hinating guya: 20 Ibibigay ko sila sa mga kaaway nila at sa mga gustong pumatay sa kanila, at ang mga bangkay nila ay magiging pagkain ng mga ibon sa langit at ng mga hayop sa lupa.+
-