Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Exodo 32:4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 4 Kinuha niya ang ginto mula sa kanila, at inanyuan niya iyon gamit ang isang pang-ukit at ginawang estatuwang guya.+ At pinasimulang sabihin ng bayan: “Ito ang iyong Diyos, O Israel, na naglabas sa iyo sa Ehipto.”+

  • Deuteronomio 7:5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 5 “Sa halip, ito ang dapat ninyong gawin: Ibagsak ang mga altar nila, gibain ang mga sagradong haligi nila,+ putulin ang mga sagradong poste* nila,+ at sunugin ang mga inukit na imahen nila.+

  • Deuteronomio 7:25
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 25 Sunugin ninyo ang mga inukit na imahen ng mga diyos nila.+ Huwag ninyong hangarin ang pilak at ginto na nasa mga ito at huwag ninyong kunin ang mga ito+ para hindi kayo mabitag, dahil kasuklam-suklam ang mga ito sa Diyos ninyong si Jehova.+

  • Hukom 17:3, 4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 3 Isinauli niya ang 1,100 pirasong pilak sa kaniyang ina, pero sinabi ng kaniyang ina: “Ihahandog* ko ang pilak kay Jehova para magamit ng anak ko sa pagpapagawa ng inukit na imahen at isang metal na estatuwa.+ Magiging sa iyo ang pilak.”

      4 Pagkatapos niyang ibalik ang pilak sa kaniyang ina, kumuha ang kaniyang ina ng 200 pirasong pilak at ibinigay iyon sa panday-pilak. Gumawa ito ng isang inukit na imahen at isang metal na estatuwa; at inilagay ang mga iyon sa bahay ni Mikas.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share