-
Deuteronomio 31:16, 17Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
16 Sinabi ngayon ni Jehova kay Moises: “Malapit ka nang mamatay,* at ang bayang ito ay sasamba* sa mga diyos ng mga banyaga sa palibot ng lupaing pupuntahan nila.+ Iiwan nila ako,+ at hindi sila tutupad sa pakikipagtipan ko sa kanila.+ 17 Sa panahong iyon, lalagablab ang galit ko sa kanila,+ at iiwan ko sila+ at hindi tutulungan*+ hanggang sa maubos sila. At kapag dumanas na sila ng maraming kapahamakan at paghihirap,+ sasabihin nila, ‘Wala na sa gitna natin ang ating Diyos kaya dinanas natin ang mga kapahamakang ito.’+
-