-
Isaias 30:23, 24Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
23 At magpapaulan siya para sa binhing inihahasik mo sa lupa,+ at ang pagkaing* ibinubunga ng lupa ay magiging sagana at masustansiya.*+ Sa araw na iyon, ang mga alaga mong hayop ay manginginain sa malalawak na pastulan.+ 24 At ang mga baka at asno na sumasaka ng lupa ay kakain ng pagkain na tinimplahan ng acedera at tinahip ng pala at tinidor.
-