-
2 Hari 20:1-3Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
20 Nang panahong iyon, nagkasakit si Hezekias at malapit nang mamatay.+ Dumating ang propetang si Isaias na anak ni Amoz at sinabi nito sa kaniya, “Ito ang sinabi ni Jehova: ‘Magbilin ka na sa sambahayan mo dahil mamamatay ka; hindi ka na gagaling.’”+ 2 Humarap siya sa dingding at nanalangin kay Jehova: 3 “Nakikiusap ako sa iyo, O Jehova, alalahanin mong lumakad ako sa harap mo* nang may katapatan at buong puso, at ginawa ko ang mabuti sa paningin mo.”+ At umiyak nang husto si Hezekias.
-