Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Awit 79:8, 9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  8 Huwag mo kaming panagutin sa mga pagkakamali ng mga ninuno namin.+

      Magpakita ka agad ng awa sa amin,+

      Dahil lugmok na kami.

       9 Tulungan mo kami, O Diyos na aming tagapagligtas,+

      Alang-alang sa iyong maluwalhating pangalan;

      Iligtas mo kami at patawarin* mo ang mga kasalanan namin alang-alang sa iyong pangalan.+

  • Jeremias 31:34
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 34 “At ang bawat isa sa kanila ay hindi na magtuturo sa kapuwa niya at sa kapatid niya at magsasabi, ‘Kilalanin ninyo si Jehova!’+ dahil ako ay makikilala nilang lahat, mula sa pinakamababa hanggang sa pinakadakila,”+ ang sabi ni Jehova. “Dahil patatawarin ko ang pagkakamali nila, at hindi ko na aalalahanin ang kasalanan nila.”+

  • Jeremias 33:8
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 8 At lilinisin ko sila mula sa lahat ng kasalanan nila sa akin,+ at patatawarin ko ang lahat ng kanilang pagkakamali at kasalanan sa akin.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share