Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Exodo 21:2
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 2 “Kung bibili ka ng isang aliping Hebreo,+ maglilingkod siya bilang alipin sa loob ng anim na taon, pero sa ikapitong taon, palalayain siya nang walang binabayarang anuman.+

  • Levitico 25:10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 10 Pababanalin ninyo ang ika-50 taon at maghahayag kayo ng paglaya sa lupain para sa lahat ng nakatira dito.+ Ito ay magiging isang Jubileo para sa inyo, at ang bawat isa sa inyo ay babalik sa pag-aari niya at sa pamilya niya.+

  • Levitico 25:39-42
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 39 “‘Kung ang kapatid mo na nakatira malapit sa iyo ay maghirap at ipagbili niya ang sarili niya sa iyo,+ huwag mo siyang pipiliting magtrabaho na gaya ng isang karaniwang alipin.+ 40 Dapat siyang ituring na tulad ng isang upahang trabahador,+ gaya ng isang dayuhan.* Maglilingkod siya sa iyo hanggang sa taon ng Jubileo. 41 At aalis siya sa iyo, siya at ang kaniyang mga anak, at babalik siya sa pamilya niya. Dapat siyang bumalik sa pag-aari ng mga ninuno niya.+ 42 Dahil sila ay mga alipin ko na inilabas ko sa Ehipto.+ Hindi nila dapat ipagbili ang sarili nila bilang mga alipin.

  • Deuteronomio 15:12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 12 “Kung ipagbili sa iyo ang isa sa mga kapatid mo, isang lalaki o babaeng Hebreo, at naglingkod na siya sa iyo nang anim na taon, dapat mo siyang palayain sa ikapitong taon.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share