34 Bukod diyan, si Eliakim na anak ni Josias ay ginawang hari ni Paraon Necoh kapalit ng ama nitong si Josias at pinalitan ang pangalan nito ng Jehoiakim; dinala naman niya si Jehoahaz sa Ehipto,+ kung saan ito namatay nang maglaon.+
5 Si Jehoiakim+ ay 25 taóng gulang nang maging hari, at namahala siya nang 11 taon sa Jerusalem. Patuloy niyang ginawa ang masama sa paningin ni Jehova na kaniyang Diyos.+