-
Jeremias 21:8-10Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
8 “At sabihin mo sa bayang ito, ‘Ito ang sinabi ni Jehova: “Inilalagay ko sa harap ninyo ang daan ng buhay at ang daan ng kamatayan. 9 Ang mananatili sa lunsod na ito ay mamamatay sa espada, sa taggutom, at sa salot. Pero ang lalabas at susuko sa mga Caldeo na nakapalibot sa inyo ay mananatiling buháy, at ang buhay niya ang magiging samsam niya.”’*+
10 “‘“Dahil itinakwil ko na ang lunsod na ito at daranas ito ng kapahamakan at hindi ng mabuti,”+ ang sabi ni Jehova. “Ibibigay ito sa kamay ng hari ng Babilonya,+ at susunugin niya ito.”+
-