-
Jeremias 21:7Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
7 “‘“At pagkatapos niyan,” ang sabi ni Jehova, “ibibigay ko si Haring Zedekias ng Juda at ang mga lingkod niya at ang mga tao sa lunsod na ito—ang mga nakaligtas sa salot, sa espada, at sa taggutom—sa kamay ni Haring Nabucodonosor* ng Babilonya, sa kamay ng mga kaaway nila, at sa kamay ng mga gustong pumatay sa kanila.+ Pababagsakin niya sila sa pamamagitan ng espada. Hindi siya mahahabag o maaawa sa kanila.”’+
-
-
Jeremias 25:9Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
9 tatawagin ko ang lahat ng pamilya sa hilaga,”+ ang sabi ni Jehova, “tatawagin ko si Haring Nabucodonosor* ng Babilonya, na lingkod ko,+ at isusugo ko sila laban sa lupaing ito+ at laban sa mga nakatira dito at laban sa lahat ng bansang ito sa palibot.+ Pupuksain ko sila at gagawing nakapangingilabot at isang bagay na sisipulan, at magiging wasak ang mga ito magpakailanman.
-