-
2 Hari 25:8-10Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
8 Noong ikapitong araw ng ikalimang buwan, nang ika-19 na taon ni Haring Nabucodonosor ng Babilonya, dumating sa Jerusalem si Nebuzaradan+ na pinuno ng mga bantay at isang lingkod ng hari ng Babilonya.+ 9 Sinunog niya ang bahay ni Jehova,+ ang bahay* ng hari,+ at ang lahat ng bahay sa Jerusalem;+ sinunog din niya ang bahay ng bawat prominenteng tao.+ 10 At ang mga pader sa palibot ng Jerusalem ay giniba ng buong hukbo ng mga Caldeo na kasama ng pinuno ng mga bantay.+
-
-
2 Cronica 34:24, 25Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
24 “Ito ang sinabi ni Jehova, ‘Magdadala ako ng kapahamakan sa lugar na ito at sa mga nakatira dito,+ ang lahat ng sumpang nakasulat sa aklat+ na binasa nila sa harap ng hari ng Juda. 25 Dahil iniwan nila ako+ at nagsusunog sila ng mga handog sa ibang mga diyos para galitin ako+ sa pamamagitan ng lahat ng gawa ng kanilang kamay, ibubuhos ko ang galit ko sa lugar na ito at hindi ito mapapawi.’”+
-
-
2 Cronica 36:16, 17Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
16 Pero palagi nilang iniinsulto ang mga mensahero ng tunay na Diyos,+ at hinamak nila ang mga salita niya+ at ang mga propeta niya,+ hanggang sa magliyab ang galit ni Jehova sa bayan niya,+ hanggang sa wala na silang pag-asang gumaling.
17 Kaya pinasalakay niya sa kanila ang hari ng mga Caldeo,+ na pumatay sa kanilang mga kalalakihan sa santuwaryo+ sa pamamagitan ng espada;+ hindi siya naawa sa binata o dalaga, sa matanda o may kapansanan.+ Ibinigay ng Diyos ang lahat sa kamay niya.+
-