-
2 Cronica 36:15, 16Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
15 Patuloy silang binigyan ng babala ni Jehova na Diyos ng kanilang mga ninuno sa pamamagitan ng mga mensahero niya. Paulit-ulit niya silang binigyan ng babala, dahil naawa siya sa kaniyang bayan at sa kaniyang tahanan. 16 Pero palagi nilang iniinsulto ang mga mensahero ng tunay na Diyos,+ at hinamak nila ang mga salita niya+ at ang mga propeta niya,+ hanggang sa magliyab ang galit ni Jehova sa bayan niya,+ hanggang sa wala na silang pag-asang gumaling.
-
-
Isaias 65:2Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
2 Buong araw kong iniuunat ang mga kamay ko sa isang bayang matigas ang ulo,+
Sa mga lumalakad sa daang hindi mabuti+
At sumusunod sa sarili nilang kaisipan;+
-
Jeremias 7:24-26Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
24 Pero hindi sila nakinig at nagbigay-pansin;+ sa halip, sumunod sila sa sarili nilang kaisipan.* Matigas ang ulo nila at sumunod sila sa masama nilang puso,+ at naging paurong sila, hindi pasulong, 25 mula nang araw na lumabas ang mga ninuno ninyo sa lupain ng Ehipto hanggang sa araw na ito.+ Kaya patuloy kong isinusugo sa inyo ang lahat ng lingkod kong propeta, araw-araw, paulit-ulit.*+ 26 Pero ayaw nilang makinig sa akin, at hindi sila nagbigay-pansin.+ Sa halip, nagmatigas sila,* at ang mga ginawa nila ay mas masahol pa sa ginawa ng mga ninuno nila!
-
-
Jeremias 35:15Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
15 At patuloy kong isinusugo sa inyo ang lahat ng lingkod kong propeta; isinusugo ko sila nang paulit-ulit*+ para sabihin, ‘Pakisuyo, talikuran ninyo ang inyong masamang landasin,+ at gawin ninyo ang tama! Huwag kayong sumunod sa ibang diyos at maglingkod sa kanila. Sa gayon ay patuloy kayong maninirahan sa lupaing ibinigay ko sa inyo at sa mga ninuno ninyo.’+ Pero hindi kayo nakinig o sumunod sa akin.
-
-
-