-
Jeremias 36:22-24Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
22 Nakaupo ang hari sa bahay na pantaglamig, nang ikasiyam na buwan,* at may apuyan* na nagniningas sa harap niya. 23 Sa tuwing makakatapos bumasa si Jehudi ng tatlo o apat na hanay, pinipilas ng hari ang bahaging iyon gamit ang kutsilyo ng kalihim at inihahagis sa apuyan, hanggang sa ang buong balumbon ay matupok sa apoy. 24 Hindi sila nakadama ng takot; hindi pinunit ng hari at ng lahat ng lingkod niya na nakarinig sa mga salitang ito ang damit nila.
-