-
Jeremias 50:44-46Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
44 “Sa ligtas na mga pastulan ay may sasalakay na parang leon mula sa makakapal na palumpong* sa kahabaan ng Jordan, pero bigla ko silang patatakasin mula sa lupain nila. At aatasan kong mamahala rito ang pinili ko.+ Dahil sino ang gaya ko, at sino ang hahamon sa akin? Sinong pastol ang makatatayo sa harap ko?+ 45 Kaya pakinggan ninyo ang pasiya* ni Jehova laban sa Babilonya+ at ang iniisip niya laban sa lupain ng mga Caldeo.
Tiyak na kakaladkarin ang maliliit sa kawan.
Gagawin niyang tiwangwang ang tinitirhan nila dahil sa kanila.+
-