Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Levitico 18:21
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 21 “‘Huwag mong hahayaang maialay kay Molec ang sinuman sa iyong mga supling.+ Huwag mong lalapastanganin ang pangalan ng iyong Diyos sa gayong paraan.+ Ako si Jehova.

  • Levitico 20:3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 3 Itatakwil ko ang* taong iyon, at papatayin ko siya, dahil ibinigay niya kay Molec ang ilan sa supling niya at pinarumi ang aking banal na lugar+ at nilapastangan ang aking banal na pangalan.

  • Jeremias 19:5, 6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 5 Itinayo nila ang matataas na lugar ni Baal para sunugin ang mga anak nila bilang mga buong handog na sinusunog para kay Baal,+ isang bagay na hindi ko iniutos o sinabi at hindi man lang sumagi sa isip ko.”’*+

      6 “‘“Kaya darating ang panahon,” ang sabi ni Jehova, “na ang lugar na ito ay hindi na tatawaging Topet o Lambak ng Anak ni Hinom, kundi Lambak ng Pagpatay.+

  • Jeremias 32:35
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 35 Bukod diyan, itinayo nila ang matataas na lugar ni Baal sa Lambak ng Anak ni Hinom,*+ para sunugin ang mga anak nilang lalaki at babae para kay Molec,+ isang bagay na hindi ko iniutos sa kanila,+ at hindi man lang sumagi sa isip ko* na ipagawa ang gayong kasuklam-suklam na bagay para magkasala ang Juda.’

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share