Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Jeremias 5:31
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 31 Ang mga propeta ay nanghuhula ng kasinungalingan,+

      At ang mga saserdote ay naghahari-harian.

      At iyan ang gusto ng sarili kong bayan.+

      Pero ano ang gagawin ninyo kapag dumating na ang wakas?”

  • Jeremias 6:12-15
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 12 Ibibigay sa iba ang mga bahay nila,

      Pati na ang mga bukid at asawa nila.+

      Dahil iuunat ko ang kamay ko laban sa mga nakatira sa lupain,” ang sabi ni Jehova.

      13 “Dahil mula sa pinakamababa hanggang sa pinakadakila sa kanila, bawat isa ay di-tapat at sakim sa pakinabang;+

      Mula sa propeta hanggang sa saserdote, bawat isa ay nandaraya.+

      14 At sinisikap nilang pagalingin ang sugat* ng bayan ko sa basta pagsasabing

      ‘May kapayapaan! May kapayapaan!’

      Kahit wala namang kapayapaan.+

      15 Nahihiya ba sila sa kasuklam-suklam na mga bagay na ginawa nila?

      Hindi sila nahihiya!

      Hindi nga nila alam kung paano mahiya!+

      Kaya babagsak sila gaya ng mga bumagsak na.

      Mabubuwal sila kapag pinarusahan ko sila,” ang sabi ni Jehova.

  • Jeremias 27:9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 9 “‘“‘Kaya huwag kayong makinig sa inyong mga propeta, manghuhula, mánanaginíp, mahiko, at mga mangkukulam,* na nagsasabi: “Hindi kayo maglilingkod sa hari ng Babilonya.”

  • Panaghoy 2:14
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 14 Ang mga pangitaing nakita ng mga propeta mo ay di-totoo at walang kabuluhan.+

      Hindi nila inilantad ang kasalanan mo para mahadlangan ang pagbihag sa iyo.+

      Sa halip, patuloy silang nagsabi ng mga pangitaing di-totoo at nakaliligaw.+

  • Ezekiel 22:28
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 28 Pero pininturahan ng puti ng mga propeta niya ang mga ginagawa nila. Di-totoo ang mga pangitain nila at humuhula sila ng kasinungalingan,+ at sinasabi nila: “Ito ang sinabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova,” pero hindi naman talaga nagsalita si Jehova.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share