Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Bilang 13:26, 27
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 26 Bumalik sila kina Moises at Aaron at sa buong bayan ng Israel na nasa ilang ng Paran, sa Kades.+ Nag-ulat sila sa buong bayan at ipinakita nila ang mga bunga ng lupain. 27 Ito ang iniulat nila kay Moises: “Pumasok kami sa lupain kung saan mo kami isinugo, at talaga ngang inaagusan iyon ng gatas at pulot-pukyutan,+ at ito ang mga bunga mula roon.+

  • Deuteronomio 6:10, 11
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 10 “Kapag dinala kayo ng Diyos ninyong si Jehova sa lupaing ipinangako niya sa inyong mga ninunong sina Abraham, Isaac, at Jacob+—malalaki at magagandang lunsod na hindi kayo ang nagtayo,+ 11 mga bahay na punô ng iba’t ibang magagandang bagay na hindi ninyo pinagpaguran, mga imbakan ng tubig na hindi kayo ang naghukay, mga ubasan at mga punong olibo na hindi kayo ang nagtanim—at nakakain na kayo at nabusog,+

  • Deuteronomio 8:7-9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 7 Dahil dadalhin kayo ng Diyos ninyong si Jehova sa isang magandang lupain,+ isang lupaing sagana sa tubig,* maraming batis at bukal na umaagos sa kapatagan at mabundok na rehiyon, 8 isang lupaing sagana sa trigo, sebada, ubas,* igos,* granada,*+ langis ng olibo, at pulot-pukyutan,+ 9 isang lupain kung saan hindi kayo kakapusin sa pagkain at hindi kayo magkukulang ng anuman, isang lupain kung saan may makukuhang bakal sa bato at makapagmimina ng tanso sa mga bundok.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share