-
Isaias 65:2Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
2 Buong araw kong iniuunat ang mga kamay ko sa isang bayang matigas ang ulo,+
Sa mga lumalakad sa daang hindi mabuti+
At sumusunod sa sarili nilang kaisipan;+
-
Ezekiel 20:8Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
8 “‘“Pero nagrebelde sila at ayaw nilang makinig sa akin. Hindi nila itinapon ang kasuklam-suklam na mga bagay na nasa harap nila, at hindi nila iniwan ang karima-rimarim na mga idolo ng Ehipto.+ Kaya ipinasiya kong ibuhos sa kanila ang poot ko at ilabas ang buong galit ko sa kanila sa lupain ng Ehipto.
-
-
Zacarias 7:11, 12Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
11 Pero ayaw nilang magbigay-pansin,+ at nagmatigas sila+ at nagbingi-bingihan.+ 12 Ang puso nila ay ginawa nilang sintigas ng diamante,*+ at ayaw nilang sundin ang kautusan* at ang mensahe ni Jehova ng mga hukbo na ipinadala ng kaniyang espiritu sa pamamagitan ng mga propeta noon.+ Kaya nagalit nang husto si Jehova ng mga hukbo.”+
-
-
-