Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Jeremias 4:10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 10 Pagkatapos ay sinabi ko: “O Kataas-taasang Panginoong Jehova! Talagang nilinlang mo ang bayang ito+ at ang Jerusalem sa pagsasabing ‘Magkakaroon kayo ng kapayapaan,’+ samantalang ang espada ay nakatutok na sa lalamunan namin.”

  • Jeremias 5:31
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 31 Ang mga propeta ay nanghuhula ng kasinungalingan,+

      At ang mga saserdote ay naghahari-harian.

      At iyan ang gusto ng sarili kong bayan.+

      Pero ano ang gagawin ninyo kapag dumating na ang wakas?”

  • Jeremias 6:13, 14
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 13 “Dahil mula sa pinakamababa hanggang sa pinakadakila sa kanila, bawat isa ay di-tapat at sakim sa pakinabang;+

      Mula sa propeta hanggang sa saserdote, bawat isa ay nandaraya.+

      14 At sinisikap nilang pagalingin ang sugat* ng bayan ko sa basta pagsasabing

      ‘May kapayapaan! May kapayapaan!’

      Kahit wala namang kapayapaan.+

  • Jeremias 23:16, 17
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 16 Ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo:

      “Huwag ninyong pakinggan ang sinasabi ng mga propeta na nanghuhula sa inyo.+

      Nililinlang* nila kayo.

      Ang pangitaing sinasabi nila ay galing sa sarili nilang puso,+

      Hindi sa bibig ni Jehova.+

      17 Paulit-ulit nilang sinasabi sa mga lumalapastangan sa akin,

      ‘Sinabi ni Jehova: “Magkakaroon kayo ng kapayapaan.”’+

      At sa lahat ng sumusunod sa sarili nilang mapagmatigas na puso ay sinasabi nila,

      ‘Hindi kayo mapapahamak.’+

  • Jeremias 27:8-10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 8 “‘“‘Kung ang isang bansa o kaharian ay tatangging maglingkod kay Haring Nabucodonosor ng Babilonya at hindi magpapasailalim sa pamatok ng hari ng Babilonya, paparusahan ko ang bansang iyon sa pamamagitan ng espada,+ taggutom, at salot,’* ang sabi ni Jehova, ‘hanggang sa malipol ko sila sa pamamagitan ng kamay niya.’

      9 “‘“‘Kaya huwag kayong makinig sa inyong mga propeta, manghuhula, mánanaginíp, mahiko, at mga mangkukulam,* na nagsasabi: “Hindi kayo maglilingkod sa hari ng Babilonya.” 10 Dahil nanghuhula sila ng kasinungalingan sa inyo; at kung makikinig kayo sa kanila, kukunin kayo sa inyong lupain at dadalhin sa malayo, at pangangalatin ko kayo at malilipol kayo.

  • Ezekiel 13:10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 10 Mangyayari ang lahat ng ito dahil inililigaw nila ang bayan ko sa pagsasabi, “May kapayapaan!” pero wala namang kapayapaan.+ Kapag nagtatayo sila ng mahinang pader, pinipinturahan nila ito ng puti.’*+

  • Mikas 3:11
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 11 Ang mga lider* niya ay humahatol dahil sa suhol,+

      Ang mga saserdote niya ay nagtuturo nang may bayad,+

      At ang mga propeta niya ay nanghuhula kapalit ng pera.*+

      Pero umaasa sila kay Jehova* at nagsasabi:

      “Hindi ba’t nasa panig natin si Jehova?+

      Hindi tayo mapapahamak.”+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share