7 Kaya ginawa ng mga Israelita ang masama sa paningin ni Jehova, at nilimot nila si Jehova na kanilang Diyos at naglingkod sila sa mga Baal+ at sa mga sagradong poste.*+
18 Iniwan nila ang bahay ni Jehova na Diyos ng kanilang mga ninuno at nagsimula silang maglingkod sa mga sagradong poste* at sa mga idolo. Nagalit ang Diyos* sa Juda at sa Jerusalem dahil sa kasalanan nila.
3 Muli niyang itinayo ang matataas na lugar na giniba ng ama niyang si Hezekias,+ nagtayo siya ng mga altar para sa mga Baal at gumawa ng mga sagradong poste,* at yumukod siya sa buong hukbo ng langit at naglingkod sa mga ito.+