Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Jeremias 3:8, 9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 8 Nang makita ko iyon, pinaalis ko ang di-tapat na Israel na may kasulatan ng diborsiyo+ dahil nangalunya siya.+ Pero hindi natakot ang Juda na taksil niyang kapatid; lumabas din ito at ibinenta ang sarili.+ 9 Hindi siya nabahala sa pagbebenta niya ng sarili, at patuloy niyang dinumhan ang lupain at nangalunya siya sa mga bato at mga puno.+

  • Jeremias 5:7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  7 Paano kita mapatatawad sa ginawa mo?

      Iniwan ako ng mga anak mo,

      At nananata sila sa hindi naman Diyos.+

      Ibinigay ko ang mga kailangan nila,

      Pero patuloy silang nangangalunya,

      At dumaragsa sila sa bahay ng babaeng bayaran.

  • Jeremias 13:27
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 27 Ang pangangalunya mo+ at ang mahalay mong paghalinghing,

      Ang kahiya-hiya mong prostitusyon.

      Sa mga burol, sa parang,

      Nakita ko ang kasuklam-suklam na mga ginagawa mo.+

      Kaawa-awa ka, O Jerusalem!

      Hanggang kailan ka mananatiling marumi?”+

  • Ezekiel 22:11
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 11 Sa loob ng iyong lunsod, kasuklam-suklam ang ginagawa ng isang lalaki sa asawa ng kapuwa niya,+ dinurungisan ng isa ang kaniyang manugang na babae dahil sa mahalay na paggawi,+ at pinagsasamantalahan ng isa pa ang kaniyang kapatid na babae, ang anak ng sarili niyang ama.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share