Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Isaias 28:7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  7 At ang mga ito rin ay naliligaw dahil sa alak;

      Sumusuray-suray sila dahil sa kanilang mga inuming de-alkohol.

      Naliligaw ang saserdote at ang propeta dahil sa alkohol;

      Nililito sila ng alak,

      At sumusuray-suray sila dahil sa alkohol;

      Inililigaw sila ng kanilang pangitain,

      At nagkakamali sila sa pagpapasiya.+

  • Jeremias 5:31
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 31 Ang mga propeta ay nanghuhula ng kasinungalingan,+

      At ang mga saserdote ay naghahari-harian.

      At iyan ang gusto ng sarili kong bayan.+

      Pero ano ang gagawin ninyo kapag dumating na ang wakas?”

  • Jeremias 6:13
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 13 “Dahil mula sa pinakamababa hanggang sa pinakadakila sa kanila, bawat isa ay di-tapat at sakim sa pakinabang;+

      Mula sa propeta hanggang sa saserdote, bawat isa ay nandaraya.+

  • Ezekiel 22:25
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 25 Ang mga propeta sa loob niya ay nagsasabuwatan,+ gaya ng leong umuungal at nanlalapa ng biktima.+ Lumalamon sila ng tao. Nang-aagaw sila ng kayamanan at mahahalagang bagay. Marami silang ginawang biyuda sa loob niya.

  • Zefanias 3:4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  4 Ang mga propeta niya ay mayayabang, mga lalaking taksil.+

      Nilalapastangan ng mga saserdote niya ang mga bagay na banal;+

      Nilalabag nila ang kautusan.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share