-
2 Hari 17:13, 14Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
13 Paulit-ulit na nagbabala si Jehova sa Israel at Juda sa pamamagitan ng lahat ng propeta at ng bawat lingkod niyang nakakakita ng pangitain:+ “Tigilan na ninyo ang masasamang ginagawa ninyo!+ Sundin ninyo ang mga utos at tuntunin ko, ang lahat ng kautusang ibinigay ko sa mga ninuno ninyo at ipinaabot ko sa inyo sa pamamagitan ng mga lingkod kong propeta.” 14 Pero hindi sila nakinig, at nanatiling matigas ang ulo nila* gaya ng mga ninuno nila na hindi nanampalataya kay Jehova na kanilang Diyos.+
-
-
Jeremias 7:12-14Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
12 “‘Pero pumunta kayo ngayon sa lugar ko na nasa Shilo,+ ang lugar na pinili ko noong una para sa kaluwalhatian ng pangalan ko,+ at tingnan ninyo kung ano ang ginawa ko roon dahil sa kasamaan ng bayan kong Israel.+ 13 Pero patuloy ninyong ginagawa ang lahat ng ito,’ ang sabi ni Jehova, ‘at kahit nagsasalita ako sa inyo nang paulit-ulit,* hindi kayo nakikinig.+ Patuloy ko kayong tinatawag, pero hindi kayo sumasagot.+ 14 Gagawin ko rin sa bahay na tinatawag sa pangalan ko,+ na pinagtitiwalaan ninyo,+ at sa lugar na ito na ibinigay ko sa inyo at sa mga ninuno ninyo, ang gaya ng ginawa ko sa Shilo.+
-