Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 2 Hari 24:11
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 11 Pumunta sa lunsod si Haring Nabucodonosor ng Babilonya habang ang mga lingkod niya ay nakapalibot sa lunsod.

  • 2 Hari 24:13
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 13 Pagkatapos, kinuha ng hari ng Babilonya ang lahat ng kayamanan sa bahay ni Jehova at ang kayamanan sa bahay* ng hari.+ Pinagputol-putol niya ang lahat ng kagamitang ginto na ginawa ni Solomon na hari ng Israel sa templo ni Jehova.+ Nangyari ito gaya ng inihula ni Jehova.

  • 2 Cronica 36:7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 7 At dinala ni Nabucodonosor sa Babilonya ang ilan sa mga kagamitan ng bahay ni Jehova at inilagay ang mga iyon sa palasyo niya sa Babilonya.+

  • Jeremias 28:1-3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 28 Nang taon ding iyon, sa pasimula ng pamamahala ni Haring Zedekias+ ng Juda, sa ikalimang buwan ng ikaapat na taon, ang propetang mula sa Gibeon+ na si Hananias na anak ni Azur ay nagsabi sa akin sa bahay ni Jehova sa harap ng mga saserdote at ng buong bayan: 2 “Ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo, ang Diyos ng Israel, ‘Babaliin ko ang pamatok ng hari ng Babilonya.+ 3 Sa loob ng dalawang taon* ay ibabalik ko sa lugar na ito ang lahat ng kagamitan ng bahay ni Jehova na kinuha ni Haring Nabucodonosor ng Babilonya at dinala sa Babilonya.’”+

  • Daniel 1:1, 2
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 1 Nang ikatlong taon ng pamamahala ni Haring Jehoiakim+ ng Juda, sinalakay* ni Haring Nabucodonosor ng Babilonya ang Jerusalem.+ 2 At ibinigay ni Jehova si Haring Jehoiakim ng Juda sa kamay niya,+ pati na ang ilan sa mga kagamitan ng bahay* ng tunay na Diyos, at dinala niya ang mga iyon sa Sinar*+ sa bahay* ng kaniyang diyos. Inilagay niya ang mga kagamitan sa kabang-yaman ng kaniyang diyos.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share