5 Kaya ang mga ulo ng mga angkan* ng Juda at ng Benjamin at ang mga saserdote at mga Levita—ang bawat isa na inudyukan* ng tunay na Diyos—ay naghanda para maglakbay at muling itayo ang bahay ni Jehova, na nasa Jerusalem.
3 “Pagkatapos ay titipunin ko ang natira sa mga tupa ko mula sa lahat ng lupain kung saan ko sila pinangalat,+ at ibabalik ko sila sa kanilang pastulan,+ at magiging palaanakin sila at darami sila.+
17 “Kaya sabihin mo, ‘Ito ang sinabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova: “Titipunin ko rin kayo mula sa mga bayan at lupain kung saan kayo nangalat, at ibibigay ko sa inyo ang lupain ng Israel.+
11 At ang mga taga-Juda at taga-Israel ay titipunin at pagkakaisahin,+ at pipili sila ng isang pinuno* at aalis sila sa lupain, dahil magiging dakila ang araw ng Jezreel.+