25 Hahayaan ni Jehova na matalo kayo ng inyong mga kaaway.+ Sasalakayin ninyo sila mula sa isang direksiyon, pero magtatakbuhan kayo palayo sa kanila sa pitong* direksiyon; at matatakot ang lahat ng kaharian sa lupa dahil sa nangyari sa inyo.+
65 Magiging kaaway kayo ng mga bansang iyon+ at walang maaapakan ang inyong paa. Bibigyan kayo ni Jehova ng balisang puso,+ mga matang pagod sa paghihintay, at kawalang pag-asa.+