Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Jeremias 13:14
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 14 At ihahampas ko sila sa isa’t isa na parang mga banga, ang mga ama at ang mga anak na lalaki,” ang sabi ni Jehova.+ “Hindi ako mahahabag o malulungkot o maaawa sa kanila; walang makapipigil sa akin sa pagpuksa sa kanila.”’+

  • Jeremias 21:7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 7 “‘“At pagkatapos niyan,” ang sabi ni Jehova, “ibibigay ko si Haring Zedekias ng Juda at ang mga lingkod niya at ang mga tao sa lunsod na ito—ang mga nakaligtas sa salot, sa espada, at sa taggutom—sa kamay ni Haring Nabucodonosor* ng Babilonya, sa kamay ng mga kaaway nila, at sa kamay ng mga gustong pumatay sa kanila.+ Pababagsakin niya sila sa pamamagitan ng espada. Hindi siya mahahabag o maaawa sa kanila.”’+

  • Panaghoy 3:43
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 43 Sa galit mo ay hinadlangan mo ang paglapit namin;+

      Tinugis mo kami at pinatay nang walang awa.+

  • Ezekiel 5:11
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 11 “‘Kaya isinusumpa ko, kung paanong buháy ako,’ ang sabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova, ‘itatakwil* kita dahil dinumhan mo ang santuwaryo ko sa pamamagitan ng iyong kasuklam-suklam na mga idolo at mga gawain;+ hindi ako maaawa,* at hindi ako mahahabag.+

  • Ezekiel 9:6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 6 Lipulin ninyo ang mga matandang lalaki, binata, dalaga, maliit na bata, at babae.+ Pero huwag kayong lalapit sa sinumang may marka.+ Magsimula kayo sa santuwaryo ko.”+ Kaya nagsimula sila sa matatandang lalaki na nasa harap ng bahay.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share