Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Isaias 54:4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  4 Huwag kang matakot,+ dahil hindi ka mapapahiya;+

      At wala kang dapat ikahiya, dahil hindi ka mabibigo.

      Dahil malilimutan mo ang kahihiyan mo noong kabataan ka,

      At ang kadustaan ng pagiging biyuda ay hindi mo na maaalaala pa.”

  • Isaias 60:14
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 14 Ang mga anak ng mga nagpahirap sa iyo ay darating at yuyukod sa iyo;

      Ang lahat ng lumalapastangan sa iyo ay susubsob sa paanan mo,

      At tatawagin ka nilang lunsod ni Jehova,

      Ang Sion ng Banal ng Israel.+

  • Mikas 7:8
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  8 Huwag kang magsaya dahil sa akin, O kaaway* ko.

      Bumagsak man ako, babangon ako;

      Kahit nasa kadiliman ako, si Jehova ang magiging liwanag ko.

  • Zefanias 2:8
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  8 “Narinig ko ang panghahamak ng Moab+ at ang pang-iinsulto ng mga Ammonita,+

      Na nangungutya sa bayan ko at mayabang na pinagbabantaan ang kanilang teritoryo.+

  • Zefanias 3:19
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 19 Sa panahong iyon, haharapin ko ang lahat ng umaapi sa iyo;+

      At ililigtas ko ang umiika-ika,+

      At titipunin ko ang mga nangalat.+

      Gagawin ko silang kapuri-puri at tanyag*

      Sa lahat ng lupain kung saan sila hiniya.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share