Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Ezra 9:6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 6 At sinabi ko: “O Diyos ko, nahihiya ako at hindi ako makaharap sa iyo, O Diyos ko, dahil ang mga pagkakamali namin ay lampas na sa aming ulo at ang kasalanan namin ay umabot na sa langit.+

  • Nehemias 9:26
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 26 “Pero naging masuwayin sila at nagrebelde sa iyo+ at tinalikuran nila ang iyong Kautusan.* Pinatay nila ang iyong mga propeta na nagbabala sa kanila para magbalik-loob sa iyo, at nilapastangan ka nila.+

  • Jeremias 31:18
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 18 “Dinig na dinig ko ang pagdaing ng Efraim,

      ‘Itinuwid mo ako, at naituwid ako,

      Gaya ng isang guya* na hindi pa nasasanay.

      Panumbalikin mo ako, at agad akong babalik,

      Dahil ikaw si Jehova na aking Diyos.

  • Ezekiel 6:9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 9 At maaalaala ako ng mga nakatakas habang bihag sila sa gitna ng mga bansa.+ Maiisip nilang nasaktan ako dahil sa kanilang di-tapat* na puso na lumayo sa akin+ at dahil sa kanilang mga mata na nagnanasa sa karima-rimarim nilang mga idolo.*+ Ikahihiya nila at kapopootan ang lahat ng kasuklam-suklam at masasamang ginawa nila.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share