5 Hindi dahil sa matuwid kayo o malinis ang puso ninyo kaya ninyo makukuha ang lupain nila. Itataboy ng Diyos ninyong si Jehova ang mga bansang ito mula sa harap ninyo dahil masasama sila+ at para matupad ni Jehova ang ipinangako niya sa inyong mga ninuno na sina Abraham,+ Isaac,+ at Jacob.+
19 O Jehova, makinig ka sana. O Jehova, magpatawad ka.+ O Jehova, magbigay-pansin ka at kumilos! Huwag kang magpaliban, alang-alang sa iyong sarili, O Diyos ko, alang-alang sa iyong pangalan na itinatawag sa iyong lunsod at bayan.”+