-
Deuteronomio 29:22, 23Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
22 “Kapag nakita ng susunod na henerasyon ng inyong mga anak at ng dayuhan mula sa malayong lupain ang mga salot sa lupain, ang mga kapahamakang pinasapit dito ni Jehova— 23 asupre at asin at apoy, kung kaya hindi na matatamnan o tutubuan ng anumang pananim ang buong lupain, gaya ng pagwasak sa Sodoma at Gomorra+ at Adma at Zeboiim,+ na winasak ni Jehova dahil sa kaniyang galit at poot—
-
-
Jeremias 17:6Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
6 Magiging gaya siya ng punong nag-iisa sa disyerto.
Hindi niya makikita ang pagdating ng mabuti,
Kundi titira siya sa tuyot na mga lugar sa ilang,
Sa lupain ng asin na walang makapaninirahan.
-