-
Jeremias 28:15, 16Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
15 At sinabi ng propetang si Jeremias sa propetang si Hananias:+ “Pakisuyo, makinig ka, O Hananias! Hindi ka isinugo ni Jehova, pero pinaniniwala mo ang bayang ito sa isang kasinungalingan.+ 16 Kaya ito ang sinabi ni Jehova, ‘Aalisin kita sa ibabaw ng lupa. Sa taóng ito ay mamamatay ka, dahil tinuturuan mo ang bayan na magrebelde kay Jehova.’”+
-
-
Jeremias 29:8, 9Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
8 Dahil ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo, ang Diyos ng Israel: “Huwag kayong magpalinlang sa mga propeta at mga manghuhula sa inyo,+ at huwag kayong makinig sa mga panaginip nila. 9 Dahil ‘nanghuhula sila ng kasinungalingan sa inyo sa pangalan ko. Hindi ko sila isinugo,’+ ang sabi ni Jehova.”’”
-