Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 1 Hari 11:5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 5 At si Solomon ay sumunod kay Astoret,+ na diyosa ng mga Sidonio, at kay Milcom,+ na kasuklam-suklam na diyos ng mga Ammonita.

  • 1 Hari 11:7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 7 Noon nagtayo si Solomon sa bundok sa harap ng Jerusalem ng isang mataas na lugar+ para kay Kemos, ang kasuklam-suklam na diyos ng Moab, at para kay Molec,+ ang kasuklam-suklam na diyos ng mga Ammonita.+

  • Awit 106:35, 36
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 35 Sa halip, nakisalamuha sila sa mga bansa+

      At sumunod sa* kaugalian ng mga ito.+

      36 Patuloy silang naglingkod sa mga idolo ng mga ito,+

      At ang mga iyon ay naging bitag sa kanila.+

  • Isaias 57:7, 8
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  7 Sa mataas at matayog na bundok ay inihanda mo ang iyong higaan,+

      At umakyat ka roon para maghandog.+

       8 Sa likod ng pinto at ng poste ng pinto ay inilagay mo ang iyong imahen.

      Iniwan mo ako at naghubad ka;

      Umakyat ka at pinaluwang mo ang iyong kama.

      At nakipagtipan ka sa kanila.

      Gustong-gusto mong makihiga sa kama nila,+

      At tumingin ka sa ari ng lalaki.*

  • Jeremias 2:20
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 20 ‘Winasak ko noong unang panahon ang pamatok mo,+

      At nilagot ko ang iyong mga kadena.

      Pero sinabi mo: “Hindi ako maglilingkod,”

      Dahil sa bawat mataas na burol at sa ilalim ng bawat mayabong na puno+

      Ay humihilata ka at ipinagbibili ang iyong sarili.+

  • Santiago 4:4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 4 Mga mangangalunya,* hindi ba ninyo alam na ang pakikipagkaibigan sa sanlibutan ay pakikipaglaban sa Diyos? Kaya kung gusto ng sinuman na maging kaibigan ng sanlibutan, ginagawa niyang kaaway ng Diyos ang sarili niya.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share