5 Kaya ang limang hari ng mga Amorita+—ang hari ng Jerusalem, ang hari ng Hebron, ang hari ng Jarmut, ang hari ng Lakis, at ang hari ng Eglon—ay nagsama-sama pati ang mga hukbo nila. Lumusob sila sa Gibeon at pinalibutan ito para makipagdigma rito.
11 “Ginawa ni Manases na hari ng Juda ang lahat ng kasuklam-suklam na bagay na ito; mas masama ang ginawa niya kaysa sa lahat ng ginawa ng mga Amorita+ na nauna sa kaniya,+ at pinagkasala niya ang Juda sa pamamagitan ng kaniyang kasuklam-suklam na mga idolo.*
3 Sabihin mo, ‘Ito ang sinabi sa Jerusalem ng Kataas-taasang Panginoong Jehova: “Ikaw ay nagmula at ipinanganak sa lupain ng mga Canaanita. Amorita+ ang iyong ama, at Hiteo+ ang iyong ina.