20 Dahil sa galit, hinayaan ni Jehova na mangyari sa Jerusalem at sa Juda ang mga bagay na ito hanggang sa mapalayas niya sila sa harapan niya.+ At si Zedekias ay naghimagsik sa hari ng Babilonya.+
13 Nagrebelde rin siya kay Haring Nabucodonosor,+ na nagpasumpa sa kaniya sa harap ng Diyos, at nanatiling matigas ang kaniyang ulo* at puso, at ayaw niyang manumbalik kay Jehova na Diyos ng Israel.