Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Bilang 14:13-16
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 13 Pero sinabi ni Moises kay Jehova: “Kinuha mo ang iyong bayan mula sa mga Ehipsiyo gamit ang kapangyarihan mo. Kaya kung gagawin mo iyan, mababalitaan nila iyan+ 14 at sasabihin sa mga nakatira sa lupaing ipinangako mo. Narinig din ng mga iyon na ikaw, si Jehova, ay nasa gitna ng bayang ito+ at nagpapakita ka sa kanila nang mukhaan.+ Ikaw si Jehova, at ang iyong ulap ay nasa ibabaw nila, at pinapatnubayan mo sila sa pamamagitan ng isang haliging ulap kung araw at isang haliging apoy kung gabi.+ 15 Kung sabay-sabay* mong papatayin ang lahat ng taong ito, sasabihin ng mga bansang nakarinig sa iyong kabantugan: 16 ‘Hindi kayang dalhin ni Jehova ang bayang ito sa lupaing ipinangako niya sa kanila, kaya pinatay na lang niya sila sa ilang.’+

  • Deuteronomio 9:27, 28
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 27 Alalahanin mo ang iyong mga lingkod na sina Abraham, Isaac, at Jacob.+ Huwag mong pansinin ang katigasan ng ulo, kasamaan, at kasalanan ng bayang ito.+ 28 Dahil baka sabihin ng mga tao sa lupain kung saan mo kami inilabas: “Hindi sila madala ni Jehova sa lupaing ipinangako niya sa kanila, at dahil napoot siya sa kanila, inilabas niya sila para patayin sa ilang.”+

  • 1 Samuel 12:22
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 22 Pinili kayo ni Jehova para maging bayan niya.+ Hindi pababayaan ni Jehova ang bayan niya+ alang-alang sa kaniyang dakilang pangalan.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share