-
2 Hari 25:5-7Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
5 Pero ang hari ay hinabol ng hukbo ng mga Caldeo, at naabutan nila siya sa mga tigang na kapatagan ng Jerico. Nahiwalay siya sa hukbo niya at nagkawatak-watak ang mga ito. 6 Hinuli nila ang hari+ at dinala siya sa hari ng Babilonya sa Ribla, at hinatulan nila siya. 7 Pinatay nila ang mga anak ni Zedekias sa harap niya; pagkatapos, binulag ni Nabucodonosor si Zedekias, iginapos ng kadenang tanso, at dinala sa Babilonya.+
-
-
Ezekiel 12:12, 13Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
12 Kung tungkol sa pinuno nila, papasanin niya sa balikat ang mga gamit niya at aalis habang madilim. Bubutas siya sa pader at ilalabas doon ang mga dala niya.+ Tatakpan niya ang mukha niya para hindi niya makita ang lupa.’ 13 Ihahagis ko sa kaniya ang aking lambat para sa pangangaso at mahuhuli siya nito.+ At dadalhin ko siya sa Babilonya, sa lupain ng mga Caldeo, pero hindi niya iyon makikita; at doon siya mamamatay.+
-