Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Genesis 49:10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 10 Ang setro ay hindi hihiwalay kay Juda,+ at ang baston ng kumandante ay hindi maaalis sa pagitan ng mga paa niya, hanggang sa dumating ang Shilo,*+ at magiging masunurin dito ang mga bayan.+

  • Awit 89:3, 4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  3 “Nakipagtipan ako sa pinili ko;+

      Sumumpa ako sa lingkod kong si David:+

       4 ‘Pananatilihin ko ang iyong mga supling*+ magpakailanman,

      At gagawin kong matatag ang trono mo sa lahat ng henerasyon.’”+ (Selah)

  • Awit 110:1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 110 Sinabi ni Jehova sa Panginoon ko:

      “Umupo ka sa kanan ko+

      Hanggang sa ang mga kaaway mo ay gawin kong tuntungan ng mga paa mo.”+

  • Isaias 9:6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  6 Dahil isang bata ang ipinanganak sa atin,+

      Isang anak na lalaki ang ibinigay sa atin;

      At ang pamamahala* ay iaatang sa balikat niya.+

      Siya ay tatawaging Kamangha-manghang Tagapayo,+ Makapangyarihang Diyos,+ Walang-Hanggang Ama, Prinsipe ng Kapayapaan.

  • Isaias 11:10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 10 Sa araw na iyon, ang ugat ni Jesse+ ay magiging palatandaan* para sa mga bayan.+

      Sa kaniya babaling ang mga bansa para sa patnubay,*+

      At ang pahingahan niya ay magiging maluwalhati.

  • Lucas 1:32, 33
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 32 Siya ay magiging dakila+ at tatawaging Anak ng Kataas-taasan,+ at ibibigay sa kaniya ng Diyos na Jehova* ang trono ni David na kaniyang ama,+ 33 at maghahari siya sa sambahayan ni Jacob magpakailanman, at hindi magkakaroon ng wakas ang kaniyang Kaharian.”+

  • Apocalipsis 5:5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 5 Pero sinabi sa akin ng isa sa matatanda: “Huwag ka nang umiyak. Ang Leon mula sa tribo ni Juda,+ ang ugat+ ni David,+ ay nagtagumpay*+ para magbukas ng balumbon at ng pitong tatak nito.”

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share