Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Levitico 17:7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 7 Sa gayon, hindi na sila mag-aalay ng mga handog sa tulad-kambing na mga demonyo*+ at sasamba* sa mga iyon.+ Ito ay magiging isang batas hanggang sa panahong walang takda para sa inyo, sa lahat ng henerasyon ninyo.”’

  • Deuteronomio 29:16, 17
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 16 (Dahil alam na alam ninyo ang naging buhay natin sa Ehipto at ang paglalakbay natin sa gitna ng iba’t ibang bansa.+ 17 At nakikita ninyo noon sa gitna nila ang kanilang kasuklam-suklam na mga bagay at nakapandidiring mga idolo*+ na gawa sa kahoy at bato at sa pilak at ginto.)

  • Josue 24:14
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 14 “Kaya matakot kayo kay Jehova at maglingkod sa kaniya nang buong katapatan,*+ at alisin ninyo ang mga diyos na pinaglingkuran ng inyong mga ninuno sa kabilang ibayo ng Ilog* at sa Ehipto,+ at maglingkod kayo kay Jehova.

  • Ezekiel 20:8
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 8 “‘“Pero nagrebelde sila at ayaw nilang makinig sa akin. Hindi nila itinapon ang kasuklam-suklam na mga bagay na nasa harap nila, at hindi nila iniwan ang karima-rimarim na mga idolo ng Ehipto.+ Kaya ipinasiya kong ibuhos sa kanila ang poot ko at ilabas ang buong galit ko sa kanila sa lupain ng Ehipto.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share