-
Ezekiel 16:36, 37Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
36 Ito ang sinabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova: ‘Dahil nagpakasasa ka sa kahalayan at nahantad ang iyong hubad na katawan nang makiapid ka sa iyong mga kalaguyo at sa lahat ng iyong kasuklam-suklam at karima-rimarim na idolo*+ na pinaghandugan mo pa ng dugo ng iyong mga anak,+ 37 titipunin ko ang lahat ng iyong kalaguyo na pinasaya mo, ang mga inibig mo at ang mga kinapootan mo. Titipunin ko sila laban sa iyo mula sa lahat ng lugar at ihahantad ko sa kanila ang iyong hubad na katawan, at makikita ka nila na hubo’t hubad.+
-