-
Isaias 3:18-23Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
18 Sa araw na iyon ay aalisin ni Jehova ang ganda ng kanilang mga pulseras sa paa,
Ang mga palamuti sa ulo at palamuting hugis-buwan,+
19 Ang mga hikaw,* pulseras, at belo,
20 Ang mga putong, kadenilya sa paa,* at pamigkis sa dibdib,*
Ang mga lalagyan ng pabango at mga anting-anting,*
21 Ang mga singsing sa daliri at hikaw sa ilong,
22 Ang magagarang damit, pang-ibabaw na kasuotan, balabal, at bag,
23 Ang mga salamin+ at kasuotang lino,*
Ang mga turbante at belo.
-
-
Jeremias 4:30Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
30 Ngayong ikaw ay wasak, ano ang gagawin mo?
Dati kang nagdadamit ng matingkad na pula,
Nagsusuot ka ng mga gintong palamuti,
At naglalagay ka ng itim na pinta para palakihin ang mga mata mo.
-