9 Gumising ka! Gumising ka! Magsuot ka ng kalakasan,
O bisig ni Jehova!+
Gumising ka gaya ng ginawa mo noon, gaya noong nakalipas na mga henerasyon.
Hindi ba ikaw ang lumuray sa Rahab,+
Ang sumaksak sa malaking hayop sa dagat?+
10 Hindi ba ikaw ang tumuyo sa dagat, sa malawak at malalim na katubigan?+
Ang gumawa ng daan sa kalaliman ng dagat para makatawid ang mga tinubos?+