Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Isaias 13:11
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 11 Pagbabayarin ko ang lupa sa kasamaan nito,+

      At ang masasama sa kanilang mga pagkakamali.

      Wawakasan ko ang kayabangan ng mga pangahas,

      At aalisin ko ang kahambugan ng malulupit.+

  • Jeremias 25:12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 12 “‘Pero pagkatapos ng 70 taon+ ay pananagutin* ko ang hari ng Babilonya at ang bansang iyon sa kasalanan nila,’+ ang sabi ni Jehova, ‘at gagawin kong tiwangwang ang lupain ng mga Caldeo magpakailanman.+

  • Jeremias 27:6, 7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 6 At ngayon ay ibinibigay ko ang lahat ng lupaing ito sa kamay ng lingkod kong si Haring Nabucodonosor+ ng Babilonya; maging ang mga hayop sa parang ay ibinibigay ko para maglingkod sa kaniya. 7 Ang lahat ng bansa ay maglilingkod sa kaniya, sa anak niya, at sa apo niya hanggang sa dumating ang panahon ng sarili niyang lupain,+ kung kailan maraming bansa at dakilang hari ang mang-aalipin sa kaniya.’+

  • Jeremias 50:1, 2
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 50 Ang salita na sinabi ni Jehova tungkol sa Babilonya,+ tungkol sa lupain ng mga Caldeo, sa pamamagitan ng propetang si Jeremias:

       2 “Sabihin ninyo iyon sa gitna ng mga bansa at ipahayag ninyo.

      Maglagay kayo ng isang palatandaan* at ipahayag ninyo iyon.

      Huwag kayong maglihim ng anuman!

      Sabihin ninyo, ‘Ang Babilonya ay nabihag.+

      Si Bel ay napahiya.+

      Si Merodac ay natakot.

      Napahiya ang mga imahen niya.

      Ang kasuklam-suklam na mga idolo* niya ay natakot.’

  • Jeremias 51:11
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 11 “Pakintabin ninyo ang mga palaso;+ kunin ninyo ang bilog na mga kalasag.*

      Inudyukan ni Jehova ang mga hari ng mga Medo,+

      Dahil gusto niyang wasakin ang Babilonya.

      Dahil ito ang paghihiganti ni Jehova, ang paghihiganti para sa templo niya.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share