-
Ezra 1:1, 2Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
1 Nang unang taon ni Haring Ciro+ ng Persia, para matupad ang salita ni Jehova na inihayag ni Jeremias,+ inudyukan ni Jehova si* Haring Ciro ng Persia na isulat at ipahayag sa buong kaharian niya ang proklamasyong ito:+
2 “Ito ang sinabi ni Haring Ciro ng Persia, ‘Ibinigay sa akin ni Jehova na Diyos ng langit ang lahat ng kaharian sa lupa,+ at inatasan niya akong ipagtayo siya ng isang bahay sa Jerusalem,+ na nasa Juda.
-
-
Jeremias 50:9Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
9 Dahil laban sa Babilonya ay magbabangon ako
Ng nagsama-samang dakilang mga bansa mula sa lupain ng hilaga.+
Hahanay sila para makipagdigma sa kaniya;
Mula roon ay bibihagin siya.
Ang mga pana nila ay gaya ng mga pana ng mandirigma
Na pumapatay ng mga anak;+
Hindi bumabalik ang mga iyon nang walang resulta.
-