-
Daniel 8:23, 24Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
23 “At sa huling bahagi ng kaharian nila, kapag umabot na sa sukdulan ang kasamaan nila, may babangong isang haring mabagsik ang hitsura at nakakaintindi ng malalabong kasabihan.* 24 Magiging makapangyarihan siya, pero hindi dahil sa sarili niyang lakas. Napakatindi ng pagwasak na isasagawa niya, at magtatagumpay siya anuman ang gawin niya. Ipapahamak niya ang mga makapangyarihan, pati ang banal na bayan.+
-
-
Daniel 12:7Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
7 At narinig kong sinabi ng lalaking nakasuot ng lino, na nasa ibabaw ng ilog, habang itinataas niya tungo sa langit ang kaniyang kanan at kaliwang kamay at sumusumpa sa ngalan ng Isa na buháy magpakailanman:+ “Mangyayari iyon sa loob ng isang takdang panahon, mga takdang panahon, at kalahating panahon.* Kapag natapos ang pagdurog sa kapangyarihan ng banal na bayan,+ magwawakas ang lahat ng ito.”
-