13 Pero hinarangan ako ng prinsipe+ ng kaharian ng Persia sa loob ng 21 araw. Pero dumating si Miguel,*+ na isa sa mga pangunahing prinsipe,* para tulungan ako; at nanatili ako roon sa tabi ng mga hari ng Persia.
9 Pero nang si Miguel+ na arkanghel+ at ang Diyablo ay magtalo tungkol sa katawan ni Moises,+ hindi nangahas si Miguel na hatulan ang Diyablo gamit ang mapang-abusong mga salita,+ kundi nagsabi: “Sawayin ka nawa ni Jehova.”*+
7 At sumiklab ang digmaan sa langit: Si Miguel*+ at ang mga anghel niya ay nakipagdigma sa dragon, at ang dragon at ang mga anghel nito ay nakipagdigma, 8 pero hindi nagtagumpay ang mga ito,* at wala na silang lugar pa sa langit.